Tip:
Highlight text to annotate it
X
Mula Zamboanga ay nagtungo kame ng probinsya ng Basilan upang saksihan sana ang isang proyekto
ng hukbong sandatahan sa pakikipagtulungan sa unang pagkakataon ng Moro Islamic Liberation
Front doon, na pinangungunahan ng dating kalaban ng gobyerno na si Commander Hji Laksaw Dan
Asnawi.
Matatandaang na si Asnawi ay nagkaroon ng dead or alive order ng makatakas sya matapos
dakpin dahil sa alegasyon ng pag masaker at pamumugot sa labing apat na sundalo nung 2007
at sa labing syam pa noong 2011 na tumutugis sa kanya. kung tutuusin sya ang dahilan kung
bakit muntik ng mahinto ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng MILF at ng gobyerno, dahil sa
kinatigan sya at pinrutiktahan ng kanyang mga kasamahang rebelde na hindi naman ikinatuwa
ng marami sa panig ng pamahalaan.
Dahil sa pagsulong ng framework agreement marami sa mga rebelding MILF ay nagkaroon
ng amnestiya tulad ng nabanggit nito ng commander sa Basilan. Mapait man o hindi ito ay isang
katotohanan na dapat lunukin nalang upang itong minimithing kapayapaan sa mindanao ay
matamo a'nila.
Si Col. Carlito "Charlie" Galvez, Commander ng 104th Brigade ang nanguna sa pag-ayat namin
sa sumisip, isang layunin sa pagbisita ay ukol sa paglutas ng isang rido o away pamilya
sa pagitan ng isang malaking angkan o pangkat ng mga tao.
Dahil pinangangambahan na ang mga rido sa lugar na ito ay syang pipinsala sa itinatatag
na kapayapaan kaya sinisikap ngayon ng gobyerno na tuldukan na rin ang mga ito.
Tulad ng paglutas ng rido, ang amnestiya ay isang paraan upang ang walang humpay at pabalik-balik
na bakbakan sa pagitan ng militar at ng bangsamoro o (BIAF) ay mahinto na.
Ito ang pahayag ni Col. Galvez
Voice: "Kasi sa Sundalo, sa amin, masakit yun pero at the side of the MILF they have
also lost some of their families so what we will do? So we have to close the cycle of
violence kasi kung ang hangad natin ay to serve justice that will provoke another incident,
dapat tingnan natin."
Ang tagpong ito ay dinaluhan ng ibat-ibang kawani ng pamahalaan bukod sa AFP, narito
ang kapulisan na pinangungunahan ni Police Superintendent Mario Dapillosa, Police Director
ng lalawigan ng Basilan; Alkalde ng mumisipyo, Boy Hataman; Ms. Tahira Ismael na syang nagrerepresenta
kay Gov. Jum Akbar.
Sa masugid na imbitasyon ni Col. Galvez,dumalo rin ang tinitingalang International Monitoring
Team - site 3,na pinangungunahan ni Col. Mohd Halim Bin Khalid at si Major Surajan Abdulrashad,
AHJAG action officer for Western Mindanao.
Tinatayang tatlong libong MILF ang umakyat sa sitio Baag sa Barangay ng Guiong na ang
iba pa ay galing sa karatig munisipyo ng Al-barka.
Hindi man natuloy ang lagdaan ng Peace Covenant sa pagitan ng dalawang malalaking pamilya
sa Sumisip, ang Mingkol at Bakal, dahil sa hindi pagdalo sa isang panig, nagpapasalamat
parin ang marami dahil ang kumbagay rido sa pagitan ng gobyerno at ng MILF sa tagpong
ito ay para nga *** totoong natapos na.
MILF's wife which name is withheld
Voice: "May mga anak kame, puede ng pag-aralin, hindi na kame tatakbo-takbo. Maraming salamat
talaga sa inyong lahat"
Mayor Hataman
Voice "Although after framework agreement,kahit na meron man na incident parang minimal at
saka yung sa field ng MILF Sumisip medyo masaya ako, parang maganda ang pakiramdam ko nung
after magkaroon ng peace agreement.
Sana nga ay magwakas na ang bagong kabanata na kung saan ay mayroong maunlad at mapayapang
pamumuhay sa mindanao. Sabi nga nila, inshaalah.
Para sa Balitang Pilipino ng ZamboTimes.com Riza Lacbao, nag-uulat.