Tip:
Highlight text to annotate it
X
Pangarapin mo bunso
ang isang magandang mundo.
Mali ng aming panahon,
sa panahon mo iwasto.
Magsumikap ka lagi
nang matupad anumang mithi.
Huwag kang tumigil sa pangarap,
dyan kami mali.
Bukas mamanahin mo
buti nami't sama.
Bukas malalaman mo,
ikaw nga ay pag-asa.
Kung saan kami nadapa,
doon bumangon ka.
Maging matalino ka,
matutong mag-sala.
Mga turo namin sa iyo,
'di kami laging tama.
Panahon mong kinagisnan,
iba sa 'ming nasaksihan.
Kaya't tayo'y nagtatalo,
huli na nang malaman.
Bukas mamanahin mo,
buti nami't sama.
Bukas malalaman mo,
ikaw nga ay pag-asa.
Kung saan kami nadapa,
doon bumangon ka.
Doon bumangon ka!
Doon bumangon ka!
Tawag ng iyong bayan
lagi mong dinggin.
Pag-iisa'y iwasan,
wala kang mararating.
Bahagi ka ng mundo
kaya't sa iyong mga tagumpay.
Kapwa mo ay idamay,
dyan kami kulang!
Bukas mamanahin mo,
buti nami't sama.
Bukas malalaman mo,
ikaw nga ay pag-asa.
Kung saan kami nadapa,
doon bumangon ka.
Kung anong aming tama,
bukas pagtibayin pa.