Tip:
Highlight text to annotate it
X
Bawat Pasko'y may dalang himala Malakas mang ulan, ito'y titila
Bubuhos ang pagpapala May kapiling ang nangungulila
Anumang lungkot, tayo'y aahon May lunas sa sugat ng kahapon
Sa isa't isa'y mayrong paglingap Mga pangarap, ngayo'y magaganap
Refrain: Laging masaya ang kwento ng Pasko
Dahil sino ka man, may nagmamahal sa'yo Ngayong Kapaskuhan ang pangako ko
Sa puso ko'y magkasama tayo
Chorus: Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa iyo Sa 'ting himig, ipagdiriwang ang pag-ibig
At ito ay tatawid sa buong daigdig
Sa iisang awit ngayong Pasko Magkayakap ang tinig ko't sa iyo
Sa 'ting himig, nadarama na ang mahalaga Ay magkasama tayo sa kwento ng Pasko
wo-oh wo-oh-oh wo-oh wo-oh-oh
Kwento ng Pasko
Mga ala-ala sa Pasko'y di kumukupas Ilang taon pa man ang lumipas
Dahil ang bawat damdamin Umuukit nang malalim
Marangya man ang pagdiriwang Kahit simpleng kasiyahan
Ang tunay na may kayamanan Pamilyang nagmamahalan
(Repeat Refrain) (Repeat Chorus)
Bridge: Magbago man lahat sa mundo
Nananatili ang diwa ng Pasko Ang pagpapala ay hindi mauubos
Himala ng Pasko ay hiwaga ng Diyos
(Repeat Chorus)
Sa iisang awit ngayong Pasko Magkayakap ang tinig ko't sa iyo
Sa 'ting himig, nadarama na ang mahalaga Nasaan man sa mundo, magkasama tayo
Nasaan man sa mundo, magkasama tayo Sa kwento ng Pasko