Tip:
Highlight text to annotate it
X
Bangungot. Sa paggising ko, ang diwa mo'y tulog
Rebulto. Sa pedestal, ng sinimento kong multo
Nang aking masaksihan, di ko naintindihan
lipunang kinahantungan mo
Dambuhalang kulungan, dekadenang isipan
Libingan sa paraiso
Hindi ito ang pinangarap na mukha ng kalayaang Inalayan ng dugo
Nagpapalit lang ng pangalan huwad na pamumunuan
habang masa ay gutom
'Wag mo akong tawaging supremo kung ang tingin mo sa aki'y alamat lang sa libro
'Pagkat tunay ang pang-aapi 'di pantay ang mga uri
Bayani mo lamang ako 'pag pinili mo ang pakikipagtunggali
Ako ay isinilang sa panahong ang Inang baya'y nakagapos sa espada at krus
Mga kapatid ko sa dugo't kulay Inalipin at naghihikahos
Kami ang bernardo carpio Kumalas sa tanikala
Mandirigma sa anino Hukbong mapagpalaya
Nung unang panahon may sang rebolusyong Lumaban ang itak sa bakal na kanyon
At nagmistulang awit Umabot hanggang langit
Sigaw ng taumbayang noo'y naghimagsik
Mamamaya'y nagtagumpay Ngunit may bwitreng abang nagbabantay
Kapatid kung ituring sa kilusan Sumaksak ng punyal sa likuran
Binastos sa Tejeros Pinatapon sa Maragundon
Binaril at binaon
Kapwa pilipinong pumatay sa akin Magdalong traydor sa ating adhikain
Sumpa ng kasaysayang mamanahin Pagluhod sa dayuhang agilang may pangil
'Wag mo akong tawaging supremo kung ang tingin mo sa aki'y alamat lang sa libro
'Pagkat tunay ang pang-aapi 'di pantay ang mga uri
Bayani mo lamang ako 'pag pinili mo ang pakikipagtunggali
Magsasaka'y wala pa ring lupang napagtataniman
Ang manggawa'y di wastong pinasasahuran
Hindi pa rin libre ang kalusugan at edukasyon
Mga alagad ng dayuhan May kontrol sa nasyon
Hindi pa rin lumalaya ang Pilipinas Ang pag-unlad ay ilan lang ang dumaranas
At sa paglisan ko sayo'y itatanong Ikaw ba'y may pag-asa ng iyong panahon
Ikaw ba'y may pag-asa ng iyong panahon May pag-asa pa ang iyong panahon
Hindi ito ang pinangarap na mukha ng kalayaang
inalayan ng dugo