Tip:
Highlight text to annotate it
X
Wala na umanong tsansa pa na makasama si Barangay
Ginebra big man Greg Slaughter sa line-up
ng Team Pilipinas na haharap sa Qatar sa Fiba Basketball World Cup Asian qualifiers bukas.
Ayon kay coach Yeng Guiao, hindi pa rin daw kasi nakapagpapagaling si Slaughter sa
natamo nitong ankle injury.
“Si Greg, I think, is not going to be available.
Wala na talaga,” wika ni Guiao.
Natamo ni Slaughter ang naturang injury noong laban ng Gin Kings kontra sa NorthPort sa
PBA
Governors’ Cup.
Ito rin ang dahilan kaya hindi ito nakasama sa pagsagupa ng Pinoy cagers sa bigating Iran
noong Huwebes sa Tehran.
Gayunman, dinaluhan naman ni Slaughter ang lahat ng ensayo ng koponan at sumama rin ito
sa
Iran para ipakita ang kanyang suporta sa Nationals.
Suportahan parin po natin ang Team Pilipinas bukas, Pakishare na rin at like ang video
na to.