Talagang makapangyarihan ang Google Search
Maaari kang maghanap para sa teksto sa buong Internet
ng karamihan sa kaalaman ng tao, mga larawan, aklat, video.
Ngunit, natanto naming may isang mahalagang bahagi
ng karanasan ng Paghahanap na na-overlook namin.
Ang aming gawain bilang mga designer
ay ang dalhin sa aming mga user
ang impormasyong hinahanap nila
nang kasing bilis at kasing ganda hangga't maaari.
Ngunit, hanggang ngayon, hindi namin laging
maibigay sa aming mga user ang hinahanap nila
Dahil, minsan, hindi naman talaga sila naghahanap.
Ako at ang aking asawa ay may isang tutang
may sobrang sigla
na inilalakad namin siya ng 5 beses sa isang araw,
at inaamuy-amoy niya ang bawat kasuluk-sulukan.
Ganito siya kumuha ng impormasyon tungkol sa kanyang mundo.
Ang photo-auditory-olfactory sensory convergence
ay isang kaganapang ipinangako na
ng science fiction nang ilang dekada
-Talagang excited kaming ihayag ang Google NoseBeta
ang aming pinakaunang tampok na olfactory knowledge
na nagbibigay-daan sa mga user na maghanap ng mga amoy.
Ang aming program na mobile na pag-i-index ng amoy
ay nagawang ipunin
ang 15 milyong scentibite na database
ng mga amoy mula sa buong mundo.
-Na may isang eleganteng integration
sa aming mga panel sa umiiral na kaalaman,
ang button na Google Nose Beta Smell
ay seamless na nag-uugnay ng amoy sa paghahanap.
Sa pamamagitan ng nag--i-intersect na mga photon na may infrasound waves,
pansamantalang nag-a-align ng mga molecule ang Google Nose Beta
upang tularan ang isang partikular na amoy.
Gumagana ang Google Nose Beta sa halos lahat ng mga desktop,
laptop,
at ilang mga mobile na device.
Sa mabilis na mundong tinitirhan natin,
madalas na wala tayong panahon
upang tumigil at amuyin ang mga rosas.
Ngayon, gamit ang Google Nose Beta,
isang click na lang ang layo ng mga rosas.
-Kung mayroon kang isang katanungan tulad ng
"ano kaya ang amoy ng isang bagong kotse?",
sinong may alam ng sagot?
Google Nose.
-Ano kaya ang amoy ng multo?
Google Nose.
Ano kaya ang amoy ng loob
ng isang Egyptian tomb?
Google Nose.
Google Nose.
Google Nose...Beta.