Tokyo, Japan - Binawian na ng buhay sa edad na 91-anyos ang isang Japanese soldier na tumangging sumuko makalipas ang nangyari World War II at nagpalipas ng 29 taon sa kagubatan ng Lubang Island, Occidental Mindoro.
Si Hiroo Onoda, ay tumagal ng halos tatlong dekada sa kagubatan hanggang 1974 dahil ang inaakala nitong hindi pa tapos ang giyera.
Nabatid na lumabas lamang si Onoda na isang Japanese soldier ng sinundo mismo ito ng kaniyang dating commanding officer.
Siya ay tinaguriang bayani sa kaniyang pagbalik ng Japan.
Ang Japanese soldier ay ayaw sumuko dahil sa pag-akala na hindi pa tapos ang World War II bagama't nasa halos tatlong dekada na ang kaniyang pananatili sa Lubang Island dahil nais pa itong makipaglaban upang ipaglaban ang pagiging sundalo.
"Every Japanese soldier was prepared for death, but as an intelligence officer I was ordered to conduct guerrilla warfare and not to die. I became an officer and I received an order. If I could not carry it out, I would feel shame. I am very competitive," ang pahayag ni Onoda sa 2010 TV interview.
Kasama noon sa pakikipaglaban ni Onoda ang tatlo pang mga Japanese soldier hanggang sa matapos ang giyera, ang isa ay nakaalis noong 1950 matapos na bawian ng buhay habang 1972 din nang nasawi sa engkwentro sa kalaban ang isa pang kasama nito.
Napag-alaman na makailang beses ding sinubukan si Onoda na pinasuko subalit patuloy itong tumatanggi sa kabila ng mga pinadalang parties at inihulog na mga leaflets ng Japan.
Nagdesisyon lamang na sumama si Onoda noong March 1974 sa kaniyang dating commanding officer nang ito ay personal na pumunta ng Pilipinas ipag-utos ang personal ang paglisan na sa lugar.
Sumaludo pa si Onoda sa Japanese flag at ibinigay ang kaniyang Samurai sword habang suot pa rin nito ang kaniyang tattered army uniform.
Ang gobyerno naman ng Pilipinas ang nagbigay ng pardon kahit pa na maraming mga taga-Lubang ang ayaw na paboran ito dahil sa pagkapatay nito ng nasa 30 katao.
Pinagmulan: Bombo Radyo